Friday, April 11, 2008

Autobiography




1. Ang lider adbokeyt ay isang taong may:

a.1 katangian na mamuno bilang isang lider ngunit mapagkumbaba at marunong makibagay sa ibat-ibang antas ng lipunan, matapang ngunit di madaling magalit, matakutin ngunit may tapang harapin ang mga balakid sa mga karapatang pambata o ano mang pinagkait sa karapatang pangtao, at higit sa lahat siya maunawain at may takot sa panginoon.

a.2 Kakayanang mamagitan o mamahala sa mga usapin o mga problema at talakayin (issues) na nangyari sa lipunan na kinabibilangan o nakapalibot sa kanya. kayang harapinn at gampanan ang katunkulan at tungkulin bilang mamayanan na may pagkalinga sa bata.

a.3 May plano at pangarap para sa lipunan upang matutugunan at malaman ang kahinatnan ng lhata na malasakit sa ginagampanang tungkulin patungo saisang CHILD FRIENDLY BARANGYA at paano mapapanatili ito hanggang pagiging CHILD FRIENDLY COMMUNITY.

2. Kailan ka naging lider adbokeyt ng pamamahalang may pagkalinga sa mga bata?

Marami ang dahilan at nagtulak sa akin na gawin ang nararapat at mag-umpisa ng mga hakbangin sa aktibong pakikilahok at pagbubulontaryo sa mga programa ng aming pamahalaang local at mga sangay nito..nakuha ko ring mag-volunteer bilang Children Organizer sa mga bata in 11 barangays kung saan naroroon ang mga bata to protect them with the abuser. i was a documenter in 4 municipalities of camotes island like: Little Fish Warden, Solid Waste Management, Geographic Information System, Intergrated Watershed Management, Capability Training, Inosukan Joint Project for 3 towns, naging Grassroot Learner din ako sa amin barangay, facilitator sa MCA/BCA activities, Anti-drug Awareness Campaign, Children's Month Celebration, Healthy life Style, Leadership Formation, Researcher sa Violence Against Child, and Children in Need Special Protection Survey.

3. What is the ( value) sa pagiging lider adbokeyt ng pamahalaang may pagkalinga sa mga bata?

Sa ngayon napapansin ng mga mamayan na may pagbabago ang aming barangay dahil na rin sa pakikilahok ng mga nasasangkutan. Sa pakikilahok at pagiging adbokeyt ng mamayan at komunidad ay unti-unting may pagbabago ang anyo at takbo ng aming barangay patungo sa ikakaunlad nito at makamit ang isang pamahalaang may pagkalinga sa mga bata.

4. Ano ang pinakamahalaga mong nakamit bilang isang lider adbokeyt ng pamahalaang may pagkalinga sa mga bata?

Ang pagkilala sa mga nagawa ko sa buong municipyo sa aking mga proyekto na siya ring nagbigay sa aking sarili ng karangalan at isang tagumpay bilang ordinaryong mamamayan na may hangarin na maiangat ang antas sa moralidad at paghihirap at mapagaan ang mga gawaing pang araw-araw ng mga kabataan. Na kahit may katagalan ang pagalaw nito ngunit napapansin ko ang palatandaan na sa likod ng mga balakid o mga political issues may liwanag na nasisilip sa likod ng mga pagsisikap.

No comments: